Ayon sa BOC, nagkakahalaga ng kontrabando ng P13.2 milyon.
Sa pamamagitan ng mahigpit na profiling ng mga shipment at x-ray examination, nadiskubre ng BOC-Clark personnel na marijuana ang laban ng healthy meal formula cans na may label na “Herbalife Formula 1 Healthy Meal Comida Saludable.”
Unang idineklara na “whey samples” mula California, USA ang laman ng 14 cans.
Dumaan din sa K9 sniffing na nakakatulong sa paghuli kung may ilegal na droga ang mga kargamento.
Samantala, inilabas ang Warrants of Seizure and Detention (WSD) District Collector Ruby Alameda laban dito dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak naman ng BOC Port of Clark na mananatili silang nakaalerto laban sa ilegal na droga kasabay ng banta ng COVID-19.