Kaso ng COVID-19 sa Olongapo City, nasa apat na
Nadagdagan pa ng isa ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Olongapo City.
Sa huling datos Olongapo Task Force COVID-19 hanggang 6:00, Lunes ng gabi (April 6), apat na ang tinamaan ng virus sa lugar.
Ayon kay Mayor Rolen Paulino Jr., ang ikaapat na kaso ay isang 23-anyos na babae.
Stable aniya ang kondisyon ng pasyente at naka-confine sa isang pagamutan sa Olongapo.
Tiniyak naman ng alkalde na nakapagsagawa na ng contact tracing ang mga kawani ng City Health sa mga nakasalamuha ng pasyente.
Samantala, nasa 124 ang perons under investigation (PUIs) habang 312 ang persons under monitoring (PUMs).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.