Sa huling datos ng Valenzuela City Health Office hanggang April 6, nasa 31 na ang COVID-19 cases sa lugar.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela, siyam sa 10 bagong kaso ng sakit sa lugar ay front liners na nagtatrabaho sa DOH-run hospitals.
Sumailalim na ang mga pasyente sa isolation simula nang ma-expose sa mga pasyente na apektado ng sakit.
Patuloy naman ang pag-monitor ng Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa mga COVID-19 cases at contact tracing sa mga nakasalamuha nito.
READ NEXT
WATCH: Inspeksyon sa Eva Macapagal Terminal na gagamiting treatment facility ng COVID-19 patients
MOST READ
LATEST STORIES