Kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City, nadagdagan pa nang 10
Nadagdagan pa ng 10 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.
Sa huling datos ng Valenzuela City Health Office hanggang April 6, nasa 31 na ang COVID-19 cases sa lugar.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela, siyam sa 10 bagong kaso ng sakit sa lugar ay front liners na nagtatrabaho sa DOH-run hospitals.
Sumailalim na ang mga pasyente sa isolation simula nang ma-expose sa mga pasyente na apektado ng sakit.
Patuloy naman ang pag-monitor ng Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa mga COVID-19 cases at contact tracing sa mga nakasalamuha nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.