Decontamination tents itinayo ng MMDA sa Malakanyang, mga ospital

By Jan Escosio April 06, 2020 - 06:17 PM

Kabilang ang Palasyo ng Malakanyang sa napagtayuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng decontamination tents.

Sinabi ni MMDA Chairman Danny Lim na naglagay din sila ng decontamination tents sa Philippine Heart Center; East Avenue Medical Center; Department of Health-Central Office sa Tayuman, Maynila; Department of Social Welfare and Development (DSWD) – National Relief Operations Center sa Pasay City; at sa DSWD satellite office sa Commonwealth, Quezon City.

Ayon pa kay Lim, ito ay kontribusyon ng kanilang ahensiya sa paglaban sa COVID-19.

Dagdag pa nito, layon ng kanilang hakbang na ma-decontaminate ang health workers, frontliners at ang lahat na magtutungo sa mga nabanggit na opisina.

Paliwanag ng opisyal, ang bawat tent ay may diffuser system na mag-ispray ng disinfectant sa lahat ng tao na papasok sa loob.

Aniya, plano nila na maglagay ng decontamination tents sa lahat ng mga malalaking ospital sa Metro Manila.

Una na nang naglagay ng disinfection tent sa pasukan ng MMDA office sa Makati City sa tulong ng Sanitary Anti-Viral Entry Point o Savepoint, isang pribadong kumpaniya.

TAGS: dswd, mmda, MMDA Chairman Danny Lim, MMDA decontamination tents, dswd, mmda, MMDA Chairman Danny Lim, MMDA decontamination tents

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.