WATCH: Inspeksyon sa Eva Macapagal Terminal na gagamiting treatment facility ng COVID-19 patients
Nagsagawa ng inspeksyon sa Eva Macapagal Terminal na magsisilbing treatment facility ng COVID-19 patients sa Port Area sa Maynila, araw ng Lunes (April 6).
Ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) ang video kung saan makikita ang inspeksyon ng mga otoridad sa lugar.
ATM: Iniispeksyon ng PCG, PPA, MARINA, DOH, at iba pang ahensya ng gobyerno ang Eva Macapagal Terminal sa Port Area, Manila na gagamitin bilang ‘treatment facility’ ng mga COVID-19 patients. #DOTrPH🇵🇭#CoastGuardPH#MaritimeSectorWorks pic.twitter.com/WJei8qgpV7
— Philippine Coast Guard (@coastguardph) April 6, 2020
Kabilang dito ang ilang opisyal mula sa PCG, Philippine Ports Authority (PPA), Maritime Industry Authority (MARINA), at Department of Health (DOH).
Nagpulong din sa nasabing terminal ang mga kinatawan ng gobyerno habang hinihintay ang pagdaong ng dalawang barko ng 2Go Shipping na gagamitin naman bilang quarantine ships.
Sa ngayon, nakadaong na ang MV St. John Paul III ng 2Go Group Inc. sa bahagi ng Pier 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.