DOH, nakapagsagawa na ng 22,958 COVID-19 tests

Photo grab from PCOO Facebook live video

Inihayag ng Department of Health (DOH) na nakapagsagawa na sila ng 22,958 test para sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa nasabing bilang, 16,615 na pagsusuri ang lumabas na negatibo sa nakakahawang sakit.

Nasa 3,414 namang pagsusuri ang nagpositibo sa COVID-19.

Gayunman, nilinaw ni Vergeire na ang lumabas na datos sa mga nagpositibo sa virus ay hindi sumasalamin sa kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Kabilang kasi aniya sa isinagawang pagsusuri ang ilang repeat tests ng ilang pasyente na apektado ng sakit.

Inaasahan naman aniyang tataas pa ang bilang ng maisasagawang COVID-19 tests sa bansa oras na mapalawig ng mga laboratoryo ang kapabilidad sa pagsusuri.

Read more...