Mga pulis, bibigyan ng 30 araw na grace period sa pagbabayad ng April loan
Ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) Finance Service ang 30-day moratorium sa pagbabawas ng sahod para sa monthly amortization ng loan.
Ayon sa PNP Public Information Office, nakipag-ugnayan si PNP Chief General Archie Gamboa at PNP Directorate for Comptrollership sa mga accredited private lending institution ukol sa pagsuspinde ng deductions para madagdagan ang maiuuwing sweldo ng mga pulis sa kanilang pamilya sa kasagsagan ng enhanced community quarantine sa Luzon.
Ayon kay PNP acting Director for Comptrollership Brig. Gen. Marni Marcos Jr., epektibo ang 30-day reprieve sa sahod sa buwan ng Abril.
Ipinag-utos ni Marcos sa PNP Finance Servicce na gawing epektibo ang pagbabago sa April payroll ng 205,000 na aktibong pulis.
Pinalawig din ang loan payment terms nang isang buwan at ibabalik ang monthly amortization sa May 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.