Family driver sa Cavite, nanalo ng milyun-milyon sa Lotto

By Kathleen Betina Aenlle February 10, 2016 - 04:21 AM

 

Inquirer file photo

Solong napanalunan ng isang 40-anyos na family driver sa Cavite na may dalawang anak ang P159-milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 draw noong January 30.

Siya lang ang bukod tanging nakakuha ng winning number combination na 06-25-17-09-14-12 na hindi niya akalaing magbibigay sa kaniya ng premyong P159,247,240.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) vice chair at general manager Jose Ferdinand Rojas II, ibinahagi sa kaniya ng maswerteng mananaya na nakuha niya ang mga numero base sa birthdates ng kaniyang pamilya.

Umalis na rin sa kaniyang trabaho bilang family driver ang mananaya, para masikaso naman silang mag-asawa sa balak niyang itayong negosyo ng pagta-taxi.

Bukod sa negosyo, ilalaan niya rin ang kaniyang napanalunang pera para sa pagbili ng bahay at lupa para sa kaniyang pamilya.

Balak rin niyang magbigay ng bahagi ng kaniyang napanalunan sa simbahan, habang ang matitira ay itatabi na niya para sa kinabukasan ng kaniyang mga anak.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Rojas ang mananayang nanalo ng P56.4 milyon mula sa Maynila, at isa pang mula sa Baguio na nanalo naman ng P7 milyon na mayroon lamang silang isang taon para kunin ang kanilang premyo.

Kapag hindi ito nakuha, ibabalik ito sa pondo ng PCSO.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.