2-anyos na lalaki sa Olongapo, nagpositibo sa COVID-19

By Angellic Jordan April 06, 2020 - 01:29 PM

Tinamaan ng COVID-19 ang isang dalawang taong gulang na lalaki sa Olongapo City.

Ayon kay Mayor Rolen Paulino Jr., ito na ang ikatlong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Olongapo City.

Mayroon aniyang congenital heart disease ang pasyente at naka-confine sa pagamutan sa Bataan.

Sinabi ng alkalde na stable naman ang kondisyon ng pasyente at naka-isolate na.

Patuloy na nagsasagawa ang Olongapo City Health ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente.

Sa ngayon, nasa 113 ang persons under investigation at 346 ang persons under monitoring.

TAGS: COVID-19 monitoring, Mayor Rolen Paulino Jr., Olongapo City, COVID-19 monitoring, Mayor Rolen Paulino Jr., Olongapo City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.