Ipinaliwanag ni Guevarra na dahil diyan ay mabibigyang pagkakataon ang mga taong nakasalamuha ng pasyente na makagawa ng kaukulang hakbang o pangontra sa posibilidad na nahawa na sila.
Sa ganito anyang sistema ay hindi na kakailanganin pa ng Department of Health na magsagawa ng contact tracing dahil mismong ang mga taong nakasalamuha ng covid carrier ang kusang loob na magpapa-quarantine.
Nabatid na mismong ang Philippine Medical Association at ang Data Privacy Commission ang nagkaloob ng ethical at legal basis para dito kasabay ng pag-iral ng public health emergency.