Panawagang isapubliko ang pangalan ng mga tinamaan ng COVID-19, suportado ni Guevarra

By Ricky Brozas April 06, 2020 - 12:45 PM

Suportado ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang panawagan ng IBP o Integrated Bar of the Philippines, na isapubliko na ang medical condition at pangalan ng mga covid-19 possitive at mga PUI o Person Under Investigation.

Ipinaliwanag ni Guevarra na dahil diyan ay mabibigyang pagkakataon ang mga taong nakasalamuha ng pasyente na makagawa ng kaukulang hakbang o pangontra sa posibilidad na nahawa na sila.

Sa ganito anyang sistema ay hindi na kakailanganin pa ng Department of Health na magsagawa ng contact tracing dahil mismong ang mga taong nakasalamuha ng covid carrier ang kusang loob na magpapa-quarantine.

Nabatid na mismong ang Philippine Medical Association at ang Data Privacy Commission ang nagkaloob ng ethical at legal basis para dito kasabay ng pag-iral ng public health emergency.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, DOJ, enhanced community quarantine, Health, IBP, Inquirer News, Menardo Guevarra, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, DOJ, enhanced community quarantine, Health, IBP, Inquirer News, Menardo Guevarra, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.