Sen. Sonny Angara inihirit sa LGUs ang anti-discrimination ordinance para sa frontliners

By Jan Escosio April 06, 2020 - 10:59 AM

Hinimok ni Senator Sonny Angara ang lahat ng lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansa para bigyan proteksyon ang mga health and medical workers gayundin ang mga positibo sa COVID-19 maging ang mga itinuturing na persons under investigation at persons under monitoring.

Ayon kay Angara may ilan ng mga LGUs ang agad nagpasa ng ordinansa para maiwasan ang diskriminasyon sa mga frontliners at sa mga hinihinalang taglay ang nakakamatay na sakit.

Diin ng senador araw-araw ay nagsasakripisyo ang mga health workers para alagaan ang mga may sakit at hindi na kumalat pa ang COVID-19.

Paalala pa ni Angara sa mga lokal na konseho, katulad nilang mga mambabatas dapat ay kumilos sila para bigyang proteksyon ang frontliners bilang pagkilala sa kanilang ginagawang pagsasakripisyo.

Binanggit nito ang mga ulat ng diskriminasyon sa mga health and medical workers, na ang ilan ay humahantong pa sa pananakit.

TAGS: anti-discrimination, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, health workers, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, anti-discrimination, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, health workers, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.