Sen. Tito Sotto sinabing nangako ang Malakanyang na aayusin ang listahan ng mabibigyan ng Bayanihan Fund

Nagkausap sina Senate President Vicente Sotto III at Finance Secretary Carlos Dominguez hinggil sa kaguluhan at kalituhan sa pamamahagi ng Bayanihan Fund sa mga lubhang apektado ng kasalukuyang krisis.

Sinabi ni Sotto na ayon kay Dominguez nangako si Pangulong Duterte na aayusin ang kaguluhan ukol sa datos ng DSWD at sa datos na hawak ng mga lokal na pamahalaan na dapat mabigyan ng tulong pinansiyal mula sa inilaan na P200 bilyon sa Bayanihan to Heal as One Act.

Ibinahagi ni Sotto na may mga senador na nakakatanggap ng sumbong mula sa mga mayors ukol sa magkaibang listahan ng mga dapat ba benipesaryo at hindi lahat na nakatala sa kanilang listahan ang mabibigyan.

Ayon sa senador sinabi sa kanya ni Dominguez na magkakaroon ng Address to the Nation si Pangulong Duterte ngayon araw.

Aniya kabilang sa mga sasabihin ng Punong Ehekutibo ay ang pagtanggap sa ilang suhestiyon ng mga senador, ilan na rito ang pagpapalawig sa coverage ng cash subsidy.

Read more...