P646K na halaga ng shabu nakumpiska sa Talisay City

By Dona Dominguez-Cargullo April 06, 2020 - 09:51 AM

Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang operasyon kontra ilegal na droga sa Talisay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jave Pungcol, 28 anyos at Jorsua Burgos, 29 anyos na kapwa nadakip sa buy-bust operation sa Barangay San Roque.

Ayon kay Police Col. Marlu Conag, pinuno ng Provincial Intelligence Branch ng Cebu Provincial Office, ang operasyon ay follow up sa buy bust na unang ikinasa sa Barangay Tangke na nagresulta sa pagkaaresto ng tatlong lalaki at pagkakakumpiska sa P300,000 halaga ng shabu.

Nakipagkasundo ang dalawang suspek sa poseur buyer na mag-abutan ng ilegal na droga sa Sitio Kimba.

Sa isinagawang imbentaryo ay aabot sa P646,000 ang halaga ng ilegal na droga na nakuha sa kanila.

TAGS: buy bust, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Talisay City, War on drugs, buy bust, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Talisay City, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.