15 preso sa QC Jail isolated dahil sa pagkaka-expose sa suspected COVID patient

Isinailalim sa isolation ang 15 preso sa Quezon City Jail matapos silang ma-expose sa isang nasawing preso na hinihinalang mayroong COVID-19.

Pumanaw noong nakaraang linggo ang preso na nakiitan ng sintomas ng sakit.

Bilang precautionary measure, sinabi ng BJMP na isinailalim muna sa isolation ang 15 preso na nakasalamuha ng pasyente.

Hihilingin din ng BJMP sa Department of Health at sa Quezon City Government na maisailalim sa COVID-19 test ang mga preso.

Ayon kay BJMP spokesperson Xavier Solda, myocardial infarction ang ikinasawi ng pumanaw na preso pero sa kaniyang death certificate ay may nakasulat na “possible COVID-19 infection”.

Read more...