CARAGA nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo April 06, 2020 - 09:36 AM
Naitala ang unang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa CARAGA.
Kinumpirma ito ni DOH CARAGA Regional Dir. Jose Llacuna Jr.
Ayon kay Llacuna isang 68 anyos na lalaking pasyente ang nagpositibo sa sakit.
Mayroon din siyang diabetes at mayroong chronic obstructive lung disease.
Mayroong travel history sa Metro Manila ang pasyente noong nakaraang buwan at bumalik ng Butuan noong March 12.
March 25 pa nang ma-admit sa ospital ang pasyente dahil sa lagnat, sore throat at ubo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.