Ayon kay Locsin, nais niyang masiguro na direktang mapupunta sa mga tamang tao at totoong nangangailangan ang ibabawas sa kaniyang sweldo.
Dahil dito ang 75% ng kaniyang sweldo ay ibibigay direkta sa mga manggagawa ng DFA na apektado ng ECQ.
“I’m raising to 75% my salary cut to go directly and only to @DFAPHL no work/no pay workers. I need to know it is going ONLY to the right people. I don’t want to learn it’s gone to idiots. That will give me a stroke from rage and I won’t be able to wield a sledgehammer” ayon kay Locsin.
Magugunitang nagpahayag ang mga miyembro ng gabinete na idodonate nila ang 75 percent ng kanilang sweldo para sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19.