Ninoy Aquino Stadium target magamit na mula ngayong araw bilang quarantine facility
Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na simula ngayong araw ay maipagamit na sa mga COVID-19 patients ang Ninoy Aquino Stadium.
As of kahapon, April 5 ay halos kumpleto at patapos na ang convertion ng Ninoy Aquino Stadium bilang quarantine facility.
Maliban sa naturang stadium na nasa Rizal Memorial Complex ay puspusan din ang convertion sa iba pang pasilidad na gagamiting quarantine facility.
Kabilang dito ang World Trade Center na nalagyan na ng mga haligi ang kwarto na paglalagakan sa mga pasyente
Ang COVID-19 facilities ay hahatiin sa tatlong zones – ang contaminated, buffer at sterile zones.
Ang contaminated zone ay lugar para sa mga pasyente.
Ang buffer zone ay lugar para sa PPEs, decontamination at hand hygiene.
Habang ang sterile zone ay holding area at entrance para sa healthcare workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.