Isa patay sa naaksidente ng truck ng bumbero sa Maynila

Isang fire volunteer ang nasawi matapos maaksidente ang truck ng bumbero sa A. Bonifacio sa Quezon City.

Sumampa sa center island at sumalpok sa pader ang truck ng bumbero sa bahagi ng A. Bonifacio.

Dahil sa aksidente, nasawi ang driver ng fire truck na isang fire volunteer habang nasugatan ang kaniyang mga kasamang bumbero.

Nakalas pa ang truck head ng fire truck kaya nag mistulang nahati ito sa dalawa.

Galing sa pagresponde sa sunog sa Bagong Barrio Caloocan at pauwi na sana sa Maynila.

Pawang miyembro ng Sampaloc Manpa Fire Volunteers ang sakay ng naaksidenteng fire truck.

Read more...