IATF humihirit sa publiko na huwag abusuhin ang social amelioration program
Umaapela ang Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease sa mga may maayos na trabaho na huwag nang makisawsaw sa cash assistance program na ibinibigay ng pamahalaan sa mga mahihirap na pamilyang naapektuhan ng COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng IATF, mas makabubuting bigyan na lamang ng tsansa ang mga mahihirap na pamilya na maayos na makakaon habang umiiral ang enhanced community quarantine.
Malinaw naman aniya na target ng social amelioration program ang mga nasa informal sector na walang pinagkakakitaan ngayon.
Kunsensya na rin aniya ang dapat na pairalin ng bawat isa.
Apela naman ni Nograles sa mga makikinabang sa cash assistance, huwag din samantalahin ang programa.
Halimbawa aniya sa isang pamilya, mayroong senior citizen at pedicab driver, hindi dalawankundi isa lamang ang makikinabang sa social amelioration program.
Kabilang sa 18 million na target beneficiaries ng cash assistance ang sumusunod:
• Senior citizen
• Person with disability
• Pregnant and lactating women
• Solo parent
• Overseas Filipinos in distress (hindi makaalis, na-repatriate sila because of COVID-19)
• Indigents, indigenous peoples, mga lumad
• Underprivileged sectors and homeless citizens
• Grab drivers or vehicles subject to ride-hailing service
• Occasional workers or directly hired workers contracted to do work on an irregular basis, subcontracted workers, pakyaw workers
• Home workers, home-based processing
• Househelpers, family drivers
• Drivers of pedicab, tricycle, PUJ, UV, PUV, taxi, and transport network companies including Angkas and Joyride riders
• Micro entrepreneurs (sari-sari store operators)
• Small retail food production and vending (carenderia, vegetable vendors, ambulant vendors, ready-to-wear ukay-ukay)
• Sub-minimum wage earners (dishwashers, carenderia helpers)
• Employees affected by no-work-no-pay policy not covered by DOLE.
“’Yan yung informal. Yung nasa formal sector, DOLE ang bahala kasi ang DOLE meron po siyang COVID-19 Adjustment Measures Program or CAMP. So sila yung mamamahagi nito para sa nasa formal sector. So yun yung mga qualifications,” ayon kay Nograles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.