Pagsugpo ng kriminalidad at kurapsyon, target ng mga presidentiables

By Kathleen Betina Aenlle February 10, 2016 - 04:38 AM

 

 

presidential-aspirants-0210Pag-sugpo sa kriminalidad at kurapsyon ang isa sa naging pangunahing target ng apat sa limang kandidatong tumatakbong pangulo para sa 2016 elections.

Habang nagpapalakpakan ang kani-kanilang mga taga-suporta at ipinagbubunyi ang kanilang mga pangakong paglaban sa krimen, tiyak na ang mga kriminal ay hindi na mapakali.

Tulad ng mga dati na niyang sinasabi, inulit ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanilang proclamation rally sa Tondo, Maynila ang palagi na niyang sinasabi na ayaw niya sa krimen at droga kaya ipapapatay niya ang mga kriminal.

Sa Capiz naman, nanindigan si Liberal Party standard bearer Mar Roxas na hindi siya padadaig sa mga abusado, manloloko at mga magnanakaw.

Ginamit naman ni Sen. Grace Poe sa kaniyang talumpati sa Plaza Miranda sa Quiapo ang bantog na linya ng kaniyang ama na “Puno na ang salop,” at hindi na dapat kunsintehin pa ang kurapsyon.

Binantaan naman ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang mga taong nag-nakaw sa kaban ng bayan na ipakukulong niya ang mga ito agad sa mga bagong kulungan.

Nag-alok pa siya ng tila pa-consuelo, dahil maari naman aniya makapamili ang mga ito kung saang kulungan nila gusto, basta’t sinisiguro niyang makukulong silang lahat.

Sa lahat naman ng mga presidentiables na nag-simula nang opisyal na manuyo sa mga botante, tanging  si Vice President Jejomar Binay ang nanatiling tahimik tungkol sa isyu ng krimen at kurapsyon sa kaniyang rally sa Mandaluyong City.

Pinagtuunan ng pansin ni Binay ang aniya’y kawalan pa rin ng pag-asenso ng mga mahihirap sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.