Halos 200, 000 trabador, nakatanggap na ng tulong mula sa DOLE
Aabot sa halos 200,000 empleyado na apektado ng banta ng coronavirus disease o covid-19ang nabigyan na ng ayuda ng Department of Labor and Employment o DOLE.
Sa pahayag ng DOLE, nasa P622 million na cash assistance ang napamahagi na sa mga benepisyaryo ng COVID Adjustment Measures Program (CAMP) at Tulong Panghanapbuhay sa Displaced/Disadvantaged Workers-Barangay ako Bahay Ko (TUPAD-BKBK) program.
Aabot sa 102,895 formal sector workers sa ilalim ng CAMP program at nasa 80,000 na trabahador mula sa informal sector sa pamamagitan ng TUPAD BKBK program ang nakatanggap ng P5,000 cash assistance.
Ang mabilisang pagbibigay ng cash assistance ay bunsid na din sa kautusan ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga DOLE officials na paluwagin ang mga requirement pagpapasa ng establishment reports ng mga employer.
Target ngayon ng DOLE mabigyan ng ayuda ang nasa 350,000 formal at informal sector workers sa kalagitnaan ng abril kung saan gagamitin nila ang P1.5 billion na pondo CAMP at TUPAD program.
Mangangailangan naman sila ng karagdagang P5 billion na pondo sa katapusan ng buwan ng abril para mabigyan din ng tulong pinansyal ang mga empleyado ng krisis ng COVID-19 na lumobo na sa 600,000 ang bilang base na din sa field monitoring reports ng DOLE.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.