4 na taong gulang na tigre sa New York nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo April 06, 2020 - 06:51 AM

Isang 4 na taong gulang na babaeng Malayan Tiger sa zoo sa New York City ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa resulta ng isinagawang pagsusuri ng National Veterinary Services Laboratories sa US Department of Agriculture, ito ang unang pagkakataon na mayroong tigre na nagpositibo sa sakit.

Ang tigre na si Nadia ay kinuhanan ng samples matapos siyang makitaan ng respiratory illness.

Ang iba pang tigre sa Bronx Zoo ay nakitaan din ng sintomas.

Si Nadia, kaniyang kapatid na si Azul, at dalawa pang Amur Tigers at tatlong African Lions ay inubo at nawalan ng ganang kumain.

Maayos naman ang ipinakikitang pagtugon gamutan ng mga tigre at leon kaya inaasahang sila ay makakarecover.

TAGS: bronx zoo, COVID-19, COVID-19 positive, Health, Inquirer News, Lion, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, respiratory illness, Tagalog breaking news, tagalog news website, tiger, bronx zoo, COVID-19, COVID-19 positive, Health, Inquirer News, Lion, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, respiratory illness, Tagalog breaking news, tagalog news website, tiger

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.