Kadiwa rolling stores, aarangkada na ngayong araw sa lungsod ng Maynila

By Ricky Brozas April 06, 2020 - 06:22 AM

Sisimulan na ngayong Lunes, April 6 ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang kadiwa rolling stores sa gitna na rin ng banta ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.

Ang Farm to market rolling stores ay mag-iikot sa bawat barangay sa lungsod kung saan makakabili ang bawat manileño ng mga sariwang gulay, manok, isda, karne, prutas at iba pa.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, isa itong paraan para hindi na magtungo sa mga palengke ang mga residente bilang pag-iingat na rin upang hindi mahawaan ng COVID-19.

Sinabi pa ng alkalde na mas mura, sariwa at hindi na mahihirapan pa magtungo sa palengke ang publiko kaya’t maaari na lamang silang maghintay at manatili sa kani-kanilang tahanan.

Isasagawa ang launching ng kadiwa rolling stores mamayang alas-7:00 ng umaga sa Lambingan Ferry Station sa tapat ng Thomas Earnshaw Elementary School na sakop ng mga Barangay 896 at 897.

Kasabay din magsisimula ang Kadiwa rolling stores sa J. Posadas Street malapit sa Road 2, Punta, Sta. Ana malapit sa sa Barangay 903 at 905.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, Kadiwa Rolling Stores, manila, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, Kadiwa Rolling Stores, manila, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.