Italy, Spain, France nakapagtala ng mahigit 500 nasawi sa COVID-19 sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo April 06, 2020 - 06:19 AM

Tatlong bansa sa Europa ang nakapagtala ng mahigit 500 nasawi sa COVID-19 sa magdamag.

Sa pinakahuling datos ang Spain ay nakapagtala ng 571 na nasawi sa sakit kaya umabot na sa 12,518 ang bilang ng nasawi sa bansa.

Ang Italy naman ay nakapagtala ng 525 na panibagong nasawi, sa ngayon ay 15,887 na ang COVID-19 death toll sa Italy.

Ang France ay nakapagtala ng panibagong 518 na nasawi sa magdamag, kaya umabot na sa 8,078 ang kanilang death toll.

Ang Spain ay mayroong mahigit 130,800 na kaso ng COVID-19.

Mahigit 128,900 naman ang kaso sa Italy at mahigit 92,800 ang kaso sa France.

Ang Germany ay mayroong mahigit 100,000 COVID-19 cases pero ang death toll nito ay 1,576 lamang.

TAGS: COVID-19, France, Health, Inquirer News, italy, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Spain, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, France, Health, Inquirer News, italy, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Spain, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.