PAGASA nakapagtala ng lagpas 37 degrees Celsius na temperatura sa tatlong lugar sa bansa kahapon

Nakapagtala ang PAGASA ng mainit na temperatura sa maraming lugar sa bansa kahapon, April 5.

Sa datos mula sa PAGASA, umabot sa 37.5 degrees Celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura sa Cotabato City kahapon.

Ang iba pang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mainit na temperatura ay ang mga sumusunod:

San Jose, Occidental Mindoro – 37.1 degrees Celsius
Echague, Isabela – 37.0 degrees Celsius
Camiling, Tarlac – 36.7 degrees Celsius
DAgupan City – 35.6 degrees Celsius

Mainit din ang naitalang temperatura sa Metro Manila matapos na umabot sa 34.8 degrees Celsius ang maximum sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.

Ang heat index naman o ang init na naramdaman sa katawan ng tao ay umabot sa 36 degrees Celsius ganap na alas 3:55 ng hapon.

Payo naman ng PAGASA sa publiko ngayong mainit ang panahon, dalasan ang pag-inom ng tubig, magsuot ng light-colored na damit, at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.

Read more...