US nakapagtala ng mahigit 1,000 nasawi sa COVID-19 sa magdamag; mahigit 21,000 ang panibagong kaso

By Dona Dominguez-Cargullo April 06, 2020 - 05:47 AM

Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ang US ng 1,084 na nasawi dahil sa COVID-19.

Dahil dito umakyat na sa 9,536 ang bilang ng mga nasawi sa US dahil sa naturang sakit.

Sa magdamag nakapagtala din ng mahigit 21,800 na panibagong kaso ng COVID-19.

Umabot na ngayon sa mahigit 333,100 ang kaso ng COVID-19 sa US.

Nangunguna pa rin ito sa mga bansa sa mundo na sa bilang ng kumpirmadong kaso ng sakit.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 17,100 na naka-recover sa sakit.

Sa ngayon mayroon itong mahigit 306,000 active cases ng COVID-19, sa nasbaing bilang mahigit 8,600 ang kritikal ang kondisyon.

TAGS: covid death, covid patients, COVID-19, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US COVID Cases, covid death, covid patients, COVID-19, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US COVID Cases

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.