Pangulong Duterte, pinag-aaralan pa ang sitwasyon kung palalawigin ang ECQ sa bansa
“All ears and eyes.”
Ito ang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng rekomendasyon ng ilang eksperto na palawigin pa nang 15 hanggang 20 araw ang umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19.
Nasa ikatlong linggo na ang ECQ sa Luzon at matatapos sa April 12 ng hatinggabi.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinag-aaralan pa ng Pangulo ang sitwasyon.
Maglalabas aniya ng desisyon ang Pangulo sa takdang panahon.
“The President is all ears and eyes on this unfolding reality and expert opinions. He is evaluating the best option to take that will effectively insure the success of our war against this wily and faceless global enemy. He will make his decision in due time,” pahayag ni Panelo.
Ilan sa medical experts, businessmen, government officials at iba pang indibidwal ang nanawagan na palawigin pa ng dalawang linggo ang ECQ para tuluyang masugpo ang paglaganap ng virus.
Pakiusap ng Palasyo sa publiko, manatiling matatag habang hinaharap ang krisis.
“We call on our countrymen to be steadfast in our commitment to take care of each other in this imminent threat to our nation’s survival,” pahayag ni Panelo.
Naniniwala si Panelo na sa awa ng Diyos at diwa ng bayanihan, mapagtatagumpayan ng mga Filipino ang krisis sa COVID-19.
“With God’s grace, and our Bayanihan spirit, we will triumph!,” pahayag ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.