Poe-Chiz tandem, palaban sa pagharap sa mga taga-suporta sa Quiapo

 

Kuha ni Chona Yu

Palaban na humarap si Senador Grace Poe sa kanyang mga taga suporta sa Plaza Miranda sa Quiapo Manila.

Sa talumpati ni Poe sa proclamation rally, iginiit nito na isa siyang tunay na Pilipino.

Sinabi pa ni Poe na nagsimula ang kwento ng kanyang buhay sa isang simbahan kung kaya minarapat niyang ilunsad ang susunod na kabanata ng buhay sa makasaysayang quiapo church sa harap ng bayan, sa mata ng Diyos at Poong Nazareno.

Umalma pa si Poe sa pasaring ng ibang presidential candidate na ginagamit niya ang madrama niyang buhay.

Ayon kay Poe, totoong madrama ang kanyang buhay dahil sa pagiging foundling niya, dumaan siya sa hirap at pait, inapi at minaliit ngunit subalit bumangon at lumaban sa kabila ng mga unos at bayo na dumaan sa kanyang buhay.

Read more...