Dalawang quarantine ships, inihahanda na ng DOTr

By Angellic Jordan April 05, 2020 - 03:19 PM

Inihahanda na ng Department of Transportation (DOTr) ang dalawang quarantine ships katuwang ang 2Go shipping.

Ayon sa kagawaran, layon nitong maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease (COVID-19) pagkabalik ng mga seafarer at iba pang overseas Filipino worker (OFW) na kailangang sumailalim sa 14-day quarantine period.

Sumang-ayon ang 2Go Shipping na mai-convert ang kanilang dalawang passenger ship para maging quarantine ship na kayang mag-accommodate ng 1,5000 pasyente.

Ayon sa DOTr, magiging operational ang quarantine ship sa susunod na linggo.

Mahigpit naman ang koordinasyon ng DOTr ukol sa proyekto sa Department of Health (DOH) at Bureau of Quarantine (BOQ).

Inaasahang makakatulong din ang quarantine ships para mabawasan ang dami ng mga pasyente sa mga ospital.

“Importante talaga na mag-bayanihan tayo sa panahong ito—mapa-gobyerno, mapa-pribadong sektor, kailangang magtulungan para sa bayan. We must always be prepared to face worst-case scenarios. Most hospitals in Metro Manila have already pleaded for help in attending to COVID-19 patients. Some of them can no longer accept more patients due to overcapacity. And that is what we are trying to address here. We will deploy these ‘quarantine ships’ to help our hospitals, our health workers, and our countrymen,” ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade.

Titiyakin naman ng Philippine Coast Guard (PCG) na magiging maayos ang operasyon ng quarantine ships at pagbibigay ng health care, standard environment controls, hygiene protocols at maritime safety and security regulations.

TAGS: 2Go Shipping, COVID-19, dotr, Inquirer News, quarantine ships, 2Go Shipping, COVID-19, dotr, Inquirer News, quarantine ships

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.