UNA rally, umarangkada sa Mandaluyong

By Ricky Brozas February 09, 2016 - 10:22 PM

Makasaysayan ang lugar na pinagdausan ng proclamation rally ng United Nationalist Alliance o UNA para sa pag-arangkada ng kanilang Kampanya para sa halalan 2016.

Iyan ay dahil ginanap sa Nueve de Pebrero sa Mandaluyong City ang kick-off ng kampanya ng partido UNA sa pangunguna ni VP Jejomar Binay-ang standard bearer ng partido at Sen.Gringo Honasan-VP Candidate.

Ang Nueve de Pebrero o February 9 ay ang petsa ng araw ng liberation o pagiging Independiyente ng Lungsod ng Mandaluyong.

Present sa aktibidad ang mga tumatakbo sa pagka Senador sa ilalim ng UNA na sina Cong.Manny Pacquiao, Cong.Martin Rumualdez, Gen.Leo Napenas, Princess Jaycel Kiram, Rey Langit at Alma Moreno.

Maliban Kay Dating Sen.Richard Gordon na kinatawan lamang ng kanyang butihing maybahay na si Kate Gordon, dumalo rin sa aktibidad ang ang independent Senatorial Candidate na si Atty.Alan Montaño.

Full force din ang pamilya Binay dahil naroon ang maybahay ng bise-Presidente na si Dr.Elenita, ang magkakapatid na Nancy, Abigail at JunJun Binay.

Nagpakita rin ng suporta sina Senate President Juan Ponce Enrile at Dating Sen.Ernesto Maceda, maging ang ama ng Mandaluyong na si Mayor Benhur Abalos.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Honasan na marapat lamang na iluklok si Binay sa Pagka-Pangulo dahil sa hindi matatawarang karanasan nito sa serbisyo-publiko, lalo na sa sektor ng mga OFW. Iyon umano ay hindi pangako dahil tinupad na ni Binay ang tunay na pagkalinga sa lahat ng sektor sa lipunan na ipinabgangako pa lamang ng kanyang mga katunggali.

Sa tambalan aniya nila ni Binay ay pinagtagpo ang isang abugado at isang sundalo para sa plataporma na ang hangarin ang tunay na serbisyo publiko.

Si Binay aniya ay may karakter ng tunay na Commander-In-Chief na Hindi nang-iiwan Ayon Kay Honasan, malaki din ang pasasalamat niya sa Lungsod ng Mandaluyong dahil kinupkop siya nuong panahon na siya ay nagrebelde Laban sa nakaraang Gobyerno.

Sinabi naman ni Enrile na siyang nagpakilala Kay Binay bilang kandidato sa Pagka-Pangulo, na dapat maraming naranasan ang pipiliin na Pangulo, dahil kung palpak na pinuno, tutulog-tulog at nagtatago sa kanyang kaibigan at kabarilan ay marami pang Mamasapano incident ang mangyayari.

Sa kanya namang mensahe, ay muling inupakan ni Binay ang aniya’y palpak,manhid at kapos sa pagkakinga sa mga Pilipino na administrasyong Aquino.

Nakakahiya aniya na papatapos na ang rehimeng Aquino ay wala pa ring katuparan ang mga ipinangakong pag-unlad sa buhay ng mga Pilipino.

Wala din umano silbi ang ipinagmamalaking pag-unlad sa ekonomiya kung marami pa rin ang nagugutom,walang trabaho at walang pambili ng gamot.

Sa pamamagitan aniya ng tambalan nila ni Honasan ay maasahan ng taumbayan ang tunay at makabuluhang pagbabago. Di tulad aniya ng kanyang mga kalaban ay malawak ang karanasan niya sa pamumuno at di karahasan ng puro kapalpakan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.