Kumalat sa social media na may nahawa ng COVID-19 sa grocery stores, walang basehan – PGH

By Angellic Jordan April 05, 2020 - 11:44 AM

Nilinaw na Philippine General Hospital (PGH) na walang basehan ang kumakalat na balita sa social media na may nahawa ng COVID-19 sa mga grocery store.

Sa inilabas na abiso, sinabi ng pamunuan ng ospital na ang dalawang pinaka-importanteng risk factor ay travel history kung saan mayroong local transmission at close contact sa pasyenteng apektado ng virus.

Hinikayat ng PGH ang publiko na i-verify muna ang mga post sa social media bago ibahagi sa iba.

Paniwalaan lamang din anila ang mga official channel na naghahatid ng update ukol sa sakit.

Muli ring pinaalalahanan ng PGH ang publiko ang manatiling alerto at sundin ang social distancing, paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol pagkatapos humawak sa mga bagay na posibleng kontaminado ng virus at iwasan ang paghawak sa mukha.

TAGS: COVID-19, philippine general hospital, social media, COVID-19, philippine general hospital, social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.