France, nahigitan na ang bilang ng COVID-19 cases sa China
Nahigitan na ng France ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa China.
Sa Wuhan City sa Hubei Province, China nagsimula ang nakakahawang sakit.
Sa huling datos, umabot na sa 89,953 ang COVID-19 cases sa France.
Mas mataas ito kumpara sa 81,669 na kaso sa China.
Pinakamarami pa ring naitalang kaso ng virus sa Estados Unidos na may 311,357 cases.
Sumunod dito ang Spain na may 126,168 at pangatlo ang Italy na may 124,632 cases.
Pang-apat naman sa may pinakamaraming COVID-19 cases ang Germany na nakapagtala ng 96,092.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.