Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division bandang 6:00, Lingoo ng umaga (April 5), nasa 195.30 meters ang tubig ng nasabing dam.
Mas mababa ito kumpara sa 195.56 meters na lebel nito noong Biyernes, April 3.
Nabawasan din ang antas ng tubig sa Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams.
Samantala, bahagya namang tumaas ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.