Ayon sa alkalde, ang P4.7 milyon na halaga ng sama-sama nilang sweldo ay ibibigay sa PGH.
Layon aniya ng ginawang hakbang na ipakita ang pakikiisa ng pamahalaang lokal ng Maynila sa paglaban sa COVID-19.
Nagpasalamat naman si Moreno kay Lacuna at sa mga konsehal para sa pagtulong na malikom ang donasyon.
“In our own little way, sana po ay makatulong po ito sa pagpapalakas ng kakayanan ng ating mga frontliner, particularly sa healthcare sector,” ani Moreno.
Muli namang nagpaalala ang alkalde sa mga residente ng lungsod na sundin ang direktiba ng gobyerno kasabay ng implementasyon ng enhanced community quarantine.
“Sana naman po ay tayong mga mamamayan mismo ang tumugon po sa panawagan ng pamahalaan na mag-social distancing at mag-home quarantine para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19,” ani Moreno.