Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, umabot na sa 500
By Angellic Jordan April 05, 2020 - 10:52 AM
Pumalo na sa 500 ang tinamaan ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa Q.C. COVID-19 update hanggang 11:00, Sabado ng gabi (April 4), 458 sa nasabing bilang ay may kumpletong address sa lungsod.
Nasa 336 naman ang kumpirmado na ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit.
Samantala, 93 ang naitalang persons under investigation (PUI) habang 420 naman ang persons under monitoring (PUM).
34 naman ang bilang ng pasyente na gumaling sa sakit at 14 ang pumanaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.