Ito ang babala ni Navotas City Mayor Toby Tiangco sa mga lumalabag sa enhanced community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.
Ayon sa alkalde, araw-araw na may nahuhuling home quarantine violator kabilang ang ilang menor de edad.
Sinabi ni Tiangco na marami sa mga nahuhuli ay humihingi ng konsiderasyon.
Kasabay nito, sinabi ng alkalde na walang pagbibigyan sa mga ikukulong na mahuhuling home quarantine violator.
Aniya, ang parusa sa sinumang lumabag ay pagkakulong ng isang araw hanggang anim na buwan o multang P2,000 hanggang P100,000, o pareho.
Ang pananatili aniya sa bahay ang tanging paraan para maiwasan ito.
“Tumulong na mapuksa ang virus para hindi na ito makapaminsala pa. Stay home. Bahay muna, buhay muna,” dagdag pa ni Tiangco.