Ospital ng Sampaloc, pansamantalang isinara simula April 4
Pansamantalang isinara ang Ospital ng Sampaloc sa Lungsod ng Maynila simula araw ng Sabado, April 4.
Sa anunsiyo ng pamunuan ng ospital, ito ay alinsunod sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno upang mabigyan ng panahon ang mga doktor, nurse at iba pang health workers na makabawi mula sa pagkakasakit.
Layon din anila nitong makapaglaan ng panahon para sa mabusising disinfection sa ospital.
Inanunsuyo ng alkalde na mayroong limang hospital worker ang nagpositibo sa COVID-19.
14 doktor, walong nurse at pitong administrative staff naman ang isinailalim sa isolation.
Kung kailangan ng konsultasyong Internal Medicine, Pedia, Obstetrics/Gynecology, Anesthesiology, Paanakan at Medico-Legal clearances ay maaaring magtungo sa Ospital ng Maynila Medical Center, Sta. Ana Hospital, Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Justice Jose Abad Santos General Hospital at Ospital ng Tondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.