COVID-19 mass testing sa PUIs at PUMs welcome kay Sen. Go; mas maraming quarantine facilities inihahanda na

By Ricky Brozas April 04, 2020 - 11:30 PM

Welcome para kay Senator Christopher Lawrence “Bong Go” ang plano ng gobyerno na magsagawa ng mass testing sa mga Patients Under Investigation(PUI) at Patients Under Monitoring(PUM) para maapatan ang lalo pang paglaganap ng Coronavirus Disese(COVID-19) sa bansa.

“Buong suporta ako sa gagawin ng gobyerno na mass testing sa mga PUIs at PUMs para mas mapabilis natin ang pagsugpo ng COVID-19 sa ating bansa,” saad ng Senador.

Si Go ang siyang Chairman ng
Senate Committee on Health at miyembro ng Joint Oversight Committee na nangangasiwa sa that oversees the implementation Bayanihan to Heal as One Act.

Una nang sinabi sa press conference kamakailan ni Presidential Adviser on the Peace Process at chief implementer ng action plan ng gobyerno laban sa coronavirus pandemic na si Carlito Galvez, Jr. na pinaplano ng gobyerno na simulan ang massive testing ng PUIs at PUMs sa Abril 14. Ito ay pangunahin sa iba pang pagsisikap ng pamahalaan na makontrol ang outbreak ng COVID-19 sa bansa, kabilang sa mga ito ay ang pagbibigay pahintulot sa mga pampubliko at pribadong health facilities na makapagdaos ng naturang tests.

“Maganda itong balita dahil sunud-sunod na ang hakbang natin laban sa COVID-19. Ito ang patunay na hindi natutulog ang gobyerno. Patuloy na nagtatrabaho ang gobyerno para malampasan ang krisis na ito at maprotektahan ang kapakanan ng mga Pilipino,” sabi ni said.

Pinasimulan na rin ng gobyerno ang massive procurement ng test kits at complete sets ng Personal Protective Equipment(PPE) at iba pang mga kinakailangang Medical supplies.

Ang kapapasa pa lamang na Bayanihan to Heal as One Act ay nagbibigay sa Pangulo ng kinakailangang otoridad at flexibility para magsagawa ng mga hakbang para sugpuin ang lumalaking banta ng COVID-19 Public health emergency.

Kabilang sa mga hakbang na ito ay ang mabilis na procurement process tulad ng exemption sa karaniwang public bidding procedure at realignment ng mas maraming pondo para sa pagbili ng medical supplies at equipment.

Kamakailan ay ipinanawagan ni Go ang pagsama ng public health workers (PHWs), tulad ng mga doctors at nurses sa kasalukuyang COVID-19 testing protocols na ipinatutupad ng Department of Health.

Isinama na ngayon ng DOH ang PHWs para pangalagaan ang frontliners at matiyak ang sapat na health human resources sa mga hospitals sa bansa.

Go also reiterated the need for more testing centers in the country and analysis laboratories. At present, according to Galvez, the country already has nine accredited hospitals and has already asked DOH to expedite other hospitals’ requests for accreditation for testing.

“Kailangan na natin ng agarang aksyon para hindi na lumala ang sitwasyon dito sa Pilipinas para mas mapabilis na nating mawala ang COVID-19 sa bansa at bumalik na sa normal na takbo ang pamumuhay ng mga Pilipino,” Go said.

Isinagawa na ang mass testing sa buong mundo bilang hakbang tungo sa pagsugpo sa COVID-19 at ito ay inerekumenda ng World Health Organization. Sinabi ng World Health Organization(WHO) na maliban paghuhugas ng kamay at iba pang precautionary steps ay may mahalagang papel ang COVID-19 mass testing para maibsan ang paglaganap ng sakit at ang maagang pagsuri sa mga nakakuha ng sakit lalo na sa mga walang sintomas.

Una nang hinimok ni Go ang gobyerno na pasimulan na ang paggamit sa ibat-ibang pasilidad bilang temporary quarantine areas para sa PUIs and PUMs.

Karamihan na kasi ng mga ospital lalo na sa Metro Manila, ang nakararanas ng surge capacity. Ang paglalagay sa PUIs at PUMs sa temporary quarantine facilities na pangangasiwaan ng health professionals sa halip na manatili sa kani-kanilang tahanan para sa self-quarantine ay malaki ang tulong para mabawasan ang kontaminasyon.

Inanunsiyo na kamakailan ng gobyerno na ang Ninoy Aquino Stadium at Rizal Memorial Sports Complex, Philippine International Convention Center at ang World Trade Center sa Metro Manila ay ginawa nang instant hospitals para ma-accommodate ang mas maraming COVID-19 positive patients at mabawasan ang pagkalat sa mga komunidad.

Ang 112-bed Ninoy Aquino Stadium—na tatauhan ng Armed Forces of the Philippines Medical Corps—ay magiging operational na sa darating na linggo, habang ang PICC at WTC ay matatapos na sa April 11.

Tinitingnan na rin ng gobyerno ang conversion ng Philippine Arena sa Bulacan bilang “mega-quarantine facility” matapos ialok ito ng Iglesia ni Cristo base sa anunsiyo ni Bases Conversion and Development Authority President and CEO Vince Dizon.

TAGS: bong go, COVID, mass testing, bong go, COVID, mass testing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.