BARMM Ministry of Health, may alokasyon para sa maintenance operations ng Rural Health Units sa rehiyon

By Ricky Brozas April 04, 2020 - 07:33 PM

Nagbigay ng alokasyon ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM-Ministry of Health sa Rural Health Units sa rehiyon na magagamit sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng RHUs.

Sa memorandum order na nilagdaan ni BARMM Minister of Health Dr. Saffrullah Dipatuan, nakasaad dito na P20,000 kada buwan ang inilaan ng kanyang tanggapan para sa operational expenses ng bawat Rural Health Unit sa BARMM.

Ayon kay Minister Dipatuan, mahalagang mabigyan ng pondo ang RHUs dahil sila ang pangunahing naghahatid ng basic health services sa itinuturing na grassroots communities.

Ang RHUs anila ang nagpapatupad ng mga programang pangkalusugan kung saan ito inirereport naman nila ang kanilang outputs at pinagsasama sa provincial, regional at, national level.

Ang regional at provincial levels ay may sapat namang suportang pondo para sa kanilang operasyon

Ayon pa kay Dr. Dipatuan , makatwiran lamang na bigyan ng kaukulang pondo ang RHUs na kanilang pangtustos sa maintenance ng kanilang operasyon lalo nat sila ay nagbibigay ng outputs
na siyang kino-consolidated sa provincial, regional at national level bilang achievements.

Obligado naman ang bawat RHU na mag-liquidate ng nasabing alokasyon base sa Accounting and auditing rules and regulations.

 

TAGS: BARMM, covid response, COVID-19, BARMM, covid response, COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.