Kampo ni Robredo, nagpasalamat sa pagtatanggol ni Pangulong Duterte sa pagtulong nito vs COVID-19
Nagpasalamat ang kampo ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatanggol sa mga ikinakasang hakbangin nito laban sa COVID-19.
Ito ay matapos sibakin ng pangulo si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna makaraang hikayatin nito ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan si Robredo sa umano’y pakikipag-kumpitensya nito sa gobyerno sa pagsugpo sa virus.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, na nagpapasalamat sila sa pahayag ng pangulo na hindi kasalanan ang tumulong sa panahon ng krisis.
Umaasa aniya ang kanilang kampo na lalawak pa ang pagtulong ng pribadong sektor.
Tuloy din aniya ang pagtatrabaho ng bise presidente para pangasiwaan ang mga proyekto para makatulong sa paglaban sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.