Nakauwi na ng Pilipinas ang 303 overseas Filipino workers (OFWs) na na-repatriate mula Kuwait, Biyernes ng gabi (April 3).
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), napauwi ang mga OFW sa pamamagitan ng chartered flight.
Dumating ang eroplano kung saan nakasakay ang mga nabing OFW sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 bandang 11:50 ng gabi.
Ang bawat OFW ay nagfill-out ng health declaration forms at information sheets alinsunod sa standard protocols ng Bureau of Quarantine.
Matapos ito, agad dinala ang mga OFW sa halfway home ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa pagsailalim sa quarantine period.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.