Merger ng DBP at Land Bank may go signal na ng Pangulo

By Den Macaranas February 09, 2016 - 04:48 PM

DBP-LBPBinigyan na ng go signal ni Pangulong Noynoy Aquino ang merger ng Development Bank of the Philippines (DBP) at Land Bank of the Philippines (LBP).

Nakapaloob sa Executive Order No. 198 na base sa pag-aaral ng Governance Commission for GOCCs (GCG) ay parehong makikinabang ang DBP at LBP sa pagsasanib ng kanilang mga assets at operational plan.

Nauna dito ay sinabi ng Department of Finance na mula sa P25Billion ay aakyat sa P200Billion ang capitol stock ng Land Bank of the Philippines dahil sa nasabing hakbang.

Ang GCG ang siyang mangangasiwa sa gagawing merger kasama na ang reorganizational plan at ang pagsasama ng kanilang mga ari-arian.

Sa kasalukuyan ay isinasapinal na ang operational consent na magmumula naman sa Philippine Deposit Insurance Corp. at Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Finance Sec. Cesar Purisima na maaalis na ang overlapping sa nasabing mga state-run banks kapag napag-isa na ang kanilang operasyon.

Pangunahing tutukan ng merger sa pagitan ng DBP at LBP ang pagpapalakas ng banking system sa mga lalawigan at pagpapalago ng pamumuhunan sa bansa.

TAGS: Aquino, DBP. LBP, purisima, Aquino, DBP. LBP, purisima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.