LOOK: Pagsasaayos sa Rizal Memorial Coliseum para maging quarantine facility

Puspusan na ang pagsasaayos ng Rizal Memorial Coliseum para maging quarantine facility ng mga apektado ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa Twitter, ibinahagi ni Health Secretary Francisco Duque III ang ilang larawan ng pag-setup sa lugar.

Ayon sa kalihim, magkakaroon ng 120 kama at dalawang central nurse station sa Rizal Memorial Coliseum.

Sinabi pa ni Duque na sisimulan ang pagtanggap ng mild at asymptomatic COVID-19 positive patients mula sa Metro Manila at malapit na rehiyon sa Lunes, April 6.

Read more...