Umabot na sa 72 ang COVID-19 positive patients sa Laguna.
Sa datos ng Laguna Provincial Health Office bandang 8:00, Sabado ng umaga (April 4), nasa 72 ang tinamaan ng virus sa lalawigan.
Pinakamataas na naitalang kaso sa bayan ng Sta. Rosa na may 16 cases.
Narito naman ang napaulat na kaso sa mga sumusunod na lugar:
– San Pedro – 13
– Biñan – 10
– Calamba – 10
– Los Baños – 5
– Cabuyao – 3
– Majayjay – 2
– Pila – 2
– San Pablo – 2
– Sta. Cruz – 2
– Alaminos – 1
– Bay – 1
– Calauan – 1
– Lumban – 1
– Nagcarlan – 1
– Victoria – 1
Samantala, 832 ang naitalang persons under investigation (PUIs).
5,644 naman ang ongoing persons under monitoring (PUMs) habang 7,677 ang cleared na.
Nasa 13 ang gumaling na o nakarekober sa COVID-19 sa Laguna at pito naman ang pumanaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.