Mga drayber ng jeep, tricycle at pedicab sa QC, bibigyan ng P2,000 tulong pinansiyal

Bibigyan na ng tulong pinansiyal ang mga drayber ng jeep, tricycle at pedicab sa Quezon City.

Sa ilulunsad na Kalingang QC, P2,000 ang ibibigay na tulong sa bawat drayber ng PUJ, tricycle at pedicab na apektado ng enhanced communtiy quarantine.

Maliban dito, makakatanggap din sa pamamagitan ng programa ang mga nagtitinda sa palengke, solo parent at persons with disabilities (PWDs).

Sinabi ng Quezon City government na ang listahan ng mga benepisyaryo ay ibabatay sa beripikadong listahan na ibibigay ng iba’t ibang sangay ng lokal na pamahalaan sa lungsod.

Read more...