Sen. Lacson kay Mayor Moreno: “Mali ang parating ninyo na wala kaming ginagawa”

“Mali ang parating ninyo na wala kaming ginagawa”

Ito ang naging pahayag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa patutsada ni Manila Mayor Isko Moreno.

Nagpahayag kasi si Moreno na tila walang ginagawa ang mga senador at maging sila ay hinahanap ng mga mamamayan sa gitna ng kinakaharap na krisis sa COVID-19.

Sa Twitter, sinabi ni Lacson na nagpagod at nagpuyat ang mga senador sa kabila ng banta ng COVID-19 para maipasa ang Republic Act 111469 o Bayanihan to Heal as One Act.

“Iyan kasi ang aming mandato,” giit ng senador.

Dagdag pa nito, ito ang dahilan kung kaya’t may naipapamahaging tulong pinansiyal ang gobyerno sa iba’t ibang lugar, kasama na ang Lungsod ng Maynila.

Read more...