201 Pinoy crew members mula Spain, dumating na sa Pilipinas
By Angellic Jordan April 04, 2020 - 12:06 PM
Nakauwi na ng Pilipinas ang 201 Filipino crew members, Sabado ng umaga (April 4).
Sinalubong ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Filipino crew members sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang 7:10 ng umaga.
Ang mga crew members ay mula sa MV Carnival Victory sa bahagi ng Spain.
Sinabi ng DFA na may susunod pang batch ng Filipinog crew members ang inaasahang darating sa Pilipinas sa mga susunod na oras.
Ito na ang ikaapat na sunod na araw na nagkaroon ng repatriation ngayong linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.