Katatapos n’ya lang sa kanyang self-quarantine na kusa n’yang ginawa matapos na ma-expose s’ya sa ilang mga pulitiko na naging positive para sa COVID-19.
Ibinahagi ni Congresswoman Robes ang kanyang personal na karanasan upang hikayatin ang mga tao na maging responsable at kusa rin na sumailalim sa self-quarantine at social distancing kung sila ay na-expose sa mga positive para sa COVID-19. “Alam n’yo nung panahon na ako ay nasa loob lang ng kwarto, sobrang lungkot ako. Yung anak ko tinanong ako, ‘Kailan kita mayayakap? Kailan kita mahahalikan?’ Sabi ko sa kanya, ‘Sa Huwebes, anak. At ngayon yun, ito ang pang-21 araw ko sa self-quarantine. Bakit ko ito ginawa? Kasi I mahal ko ang aking pamilya at yung pamilya ko dito sa distrityo. Ayaw ko ‘yung na-expose na nga ako, tapos lalabas pa ako. It’s very irresponsible if I do that. Dahil mahal ko kayo, tiniis ko na nakikita ko lang si Mayor [Arthur Robes] outside, nakikita ko lang ang aking mga kapamilya na nilalaban rin ang kalamidad na ito.”
Dinetalye din ng kongresista kung paano nila isinagawa ang mga habang nilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) ang SJDM. Pinaliwang n’ya na s’ya at ang kanyang asawa na si SJDM Mayor Arthur Robes (na sumailalim na rin sa self-quarantine) at ang kani-kanilang staff ay nagtatrabaho gumamit ng isang three-point framework na batay sa isang prinsipyo: “Pagyamanin mo kung ano ang meron ka.” Kasangkot nito sa mga sumusunod:
1. Mag-deklara ng resolusyon para magamit agad ng calamity fund ng SJDM.
2. Nakipag-ugnay sa mga nasa frontlines, kabilang na ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) tungkol sa pag-set up ng mga checkpoints ayon sa mga alituntunin na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagpapatupad ng ECQ.
3. Pagpapatupad ng mga programa sa rehabilitasyon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao, lalo na ang mga may-ari ng maliliit na negosyo.
Kaugnay ng misyon ng mag-asawang Robes na magdala ng pag-asa at pag-unlad para sa lahat ng taga-SJDM, ipinahayag ni Congresswoman Robes na siniguro nilang matulungan ang halos 69,000 na mga taong indigent sa SJDM. Sa katunayan, sa first wave ng pamamahagi ng mga relief pack, 10,910 ang nakatanggap nito. Sa second wave, 58,060 katao ang naabutan. Sinabi ni Congresswoman Robes na magkakaroon pa ng third wave ang pamamahagi ng relief pack. “Gusto naming mapuntahan ang lahat ng 145,000 na kabahayan sa SJDM,” dagdag niya.
Nabanggit ni Congresswoman Robes na naghihintay din sila sa buong pagpapatupad ng “Bayanihan Heal as One” (BAHO) Act upang mas matulungan pa ang mga tao ng SJDM.
Tinanong rin si Congresswoman Robes kung ano ang nararamdaman n’ya sa mga bashers na panay ang puna sa kanila ni Mayor Robes sa kabila ng kanilang pagsisikap. Kalmado at walang bahid ng galit ang kongresista na sumagot, “Nakikiusuap po ako na huwag na po nating isali ang pamumulitika rito. Pwede naman kayong pumuna at magsabi kung ano ang mali na nakikita n’yo, pero kung wala naman kayong maiambag ay magdasal na lang kayo para sa ating lungsod. Hiniling rin ng kongresista na ang lahat ay magkaisa upang malagpasan ng buong distrito ang krisis na dala ng COVID-19.